Pahina ng Pangarap: Where stories and ideas come alive
🎨 Ikaw ba ay isang Filipino creative na may malasakit sa kalikasan at komunidad? Para sa iyo ang programang ito!
Pagbati mula sa KOMUNIDA, Inc.! Salamat sa iyong interes sa KlimaLikha Creative Climate Fellowship—isang walong (8) linggong residency program para sa mga Filipino creatives na nagnanais lumikha ng mga obra na tumatalakay sa climate justice, mga isyung pangkalikasan, at community resilience.
Sa pamamagitan ng programang ito, layunin naming suportahan ang mga artistang Filipino sa pagbuo ng makabuluhan at makapangyarihang mga likha na nakaugat sa komunidad at kalikasan.
🌿 Deadline ng pagsumite | June 20, 2026
Ang mga mapipiling fellows ay makatatanggap ng:
🌸 Hanggang ₱10,000 na Storytelling at Production Grant
🌸 Mentorship mula sa mga batikang artist at climate advocates
🌸 Pakikilahok sa Dialogue Circles kasama ang mga komunidad
🌸 Cultural trips at community immersions
🌸 Oportunidad para sa kolaborasyon at pampublikong pagpapakita ng mga likha
🌿 Deadline ng pagsumite | June 20, 2026
Hinihikayat ka naming samantalahin ang pagkakataong ito upang maging bahagi ng isang komunidad ng mga artist at tagapagtaguyod ng pagbabago na sama-samang lumilikha ng mga kwentong may malasakit sa kalikasan at kinabukasan. Inaasahan naming marinig ang iyong boses, makita ang iyong likha, at makasama ka sa pagbuo ng mas makatarungan at mas luntiang mundo sa pamamagitan ng KlimaLikha Creative Climate Fellowship.