Pahina ng Pangarap: Where stories and ideas come alive
Konti na lang, mga ka-likha! Dadalhin na namin sa inyong mga paaralan, tahanan, at komunidad ang Resilience Builders Climate Education Toolkit — isang masayang paraan para matuto tungkol sa climate action at climate justice gamit ang mga laro at gawaing pang-komunidad.
🌱 Alam mo ba? Higit na apektado ang mga bata at kabataan sa dinaranas nating climate crisis, ngunit nananatiling malabo para sa marami ang konsepto ng climate change. Batay sa mga nagdaang konsultasyon at co-creation workshops, bagaman nagkakaiba-iba ang karanasan at kaalaman ng kabataan, iisa ang hamon: paano ito mauunawaan nang mas simple at makabuluhan batay sa kanilang mga aktwal na karanasan sa pamayanan?
Noong 2024, ang Pilipinas ang may pinakamataas na disaster risk sa buong mundo, batay sa World Risk Index (WRI), na may score na 46.91. Ito na ang ikatlong sunod na taon na nangunguna ang ating bansa sa talaang ito, na sumusukat sa panganib ng isang bansa sa mga kalamidad batay sa pagkakalantad sa natural na panganib at kahinaan, kabilang na ang kakayahan nitong tumugon sa mga sakuna.
Kaya naman mahalagang maunawaan ng mga bata at kabataan ang kahalagahan ng climate justice — ang pagtindig para sa karapatan ng mga pinaka-apektadong mga sektor sa ating pamayanan at ang pagsusulong ng pangangalaga sa ating kalikasan.
Sa tulong ng Youth Climate Justice Fund, layunin ng Resilience Builders na turuan at palakasin ang pakikilahok ng bawat bata at kabataan sa mga komunidad upang maging boses at sama-samang kumilos para sa kalikasan.
📣 Abangan na rin ang opisyal na panawagan para sa mga Master Trainer — baka ikaw na ang hinahanap namin!
Maraming salamat sa pagiging bahagi ng aming kwento at mga gawain sa nagdaang taon!
Sa kabila ng mga nagdaang sakuna at unos na humagupit sa ating mga pamayanan, nananatili ang KOMUNIDA, Inc. sa pagkilala na ang pagkakaisa at pagkilos ang susi upang muling bumangon at sumulong. Malaking bahagi ang inyong lakas, tapang, at patuloy na pakikiisa sa ating laban para sa hustisyang pangklima. Hangad namin ang isang mapagpalaya at masaganang bagong taon para sa lahat—punong-puno ng pagkakaisa, pag-asa, at pagsisikap na maging ka-likha ng mga maunlad at kapita-pitagang pamayanan!
A liberating and prosperous New Year from KOMUNIDA!
Thank you for being part of our story and endeavors this year. We wish everyone a liberating and prosperous new year—filled with unity, hope, and collective efforts to co-create thriving and dignified communities.
Testimonials from Our Volunteers
Resilience Builders Youth Volunteer from Caloocan, PH
Vincent Destor is one of the volunteers in Resilience Builders' Co-creation workshop with Rotaract Club of Calumpit, Bulacan
"Attending the event in Calumpit, Bulacan gave me a deeper understanding of the mission of Resiliency Builders. This organization aims to advocate for climate justice and protect underprivileged communities from the impacts of climate change. It advocates the need for urgent action to address the current and future disasters we face. Moreover, it advocates for educating young generations to prepare them for these challenges. Overall, this experience inspired me to contribute more actively to organization and support efforts that build a more resilient and just future for all."
Resilience Builders Youth Volunteer from Mindoro, PH
Florenz Borbon is one of the volunteers in Resilience Builders' Co-creation workshop in Victoria, Mindoro Oriental
"As a new Volunteer for Resilience Builders, my experience taught me the importance of including youths in the movement of protecting our environment. I saw how this organization teach young students to be aware of climate change and empower them to become leaders and advocate our mother nature. From my experience, we had a focus group discussions and we analyze some issues and alarming concerns and taught them how to find a solution. It was educational and Empowering because this experience led me to continue my dedication to free of service.
My takeaway quote will be "There is nothing much more stronger than a heart of an advocate and a volunteer for they are Catalyst of Good Change". Their efforts of teaching really influences the minds of the youth to be future advocates and leaders."
No matter your skills or background, your contribution can make a significant impact as we co-create a safer, more resilient Filipino communities. Ready to make a difference? Volunteer for the Resilience Builders today and be a part of a movement dedicated to building stronger communities!